Daughters of Eve

Daughters of Eve ★★★★

grabe, ricky lee greatest writer of women in films! ang perfect ng analysis nung film of the madonna-whore dichotomy and how women are punished and demonized either way tapos ang clear nung message nung film na lalaki ang tunay na demonyo ok.

i'm a fan of elwood perez (maybe less so now idk) pero kasi sya yung tipo ng filmmaker na kunwari may namamatay na, mas uunahin pa nyang ishoot yung tao kesa tulungan. sana lagi nating alalahanin na mas importante ang tao kesa sa pelikula. i think may mga nag-call out naman na sa kanya over the years so hopefully mas ok na sya. mas concern nya na maganda yung pelikula more than protecting the actresses in the film. of course, maraming filmmakers talaga ang ganito until now. in fact during sarsi's interview, whenever she would talk about directors he worked with, may ikkwento syang terrible na ginawa nung director during the shoot and then after babawiin nya with "pero magaling. magaling na direktor."

duda na talaga ako dun sa gang rape scene eh kasi parang di ko maimagine how is it possible the actresses were not violated in that scene and this is not just me assuming, maria isabel lopez and sarsi emannuelle both confirmed in interviews that they resented elwood particularly for that scene because they were manipulated and exploited. parang hindi nila alam na ganun kalala yung mangyayari kasi as in totoo na daw yung mga iyak and sigaw nila tapos tuwang tuwa pa daw si elwood kasi realistic yung reactions nila. directors, my god please don't try to pull shit like that. 😩

so pano natin ire-reconcile ngayon na feminist yung pelikula pero exploited yung mga actresses?? worth it ba porket considered na maganda yung pelikula? what are great films for when they don’t have the capability to change anything? napakahirap bang gumawa ng pelikula nang hindi nange-exploit ng mga tao?? or we just have to reckon with the fact na one of the real reasons why people are drawn to directing is because it gives them the power to control people... minsan talaga, kwe-kwestyonin mo bakit ba kasi cinema yung napili nating mahalin... this inherently exploitative and perverted medium and industry. the movie being called silip refers to the fact na there's something perverted talaga with people who love movies... kasi diba, it means you love to watch people... mahilig tayong manilip! so the people who made this film can be like ah masama kami? well why are YOU watching it? di ko alam anong point ng sinasabi ko but these are just questions we at least need to ask ourselves i think...