Moral

Moral ★★★★★

napakaganda at napakahusay!!!! na-empower ako ng pelikulang 'to, feeling ko nagkaroon ng validation 'yong mga 'pinaglalaban' ko!!! sobrang laki ng papel ng babae sa lipunan kaya dapat ay hindi sila sinisino. 'yong mga isyung tinalakay at struggle ng bawat karakter na ipinakita rito ay napapanahon at hindi kailanman naluluma sapagkat patuloy itong nangyayari hanggang ngayon. taon lang ang nagbabago, pero ang problema ay nandiyan pa rin, nadadagdagan pa nga eh. anyway, grabe 'tong mga bidang 'to, ang solid at relevant talaga. isa pa, mas pinaigting ng karakter ni sandy andolong 'yong mga hanash ko (at ng karamihan) sa bra lol.

gusto ko lang ding sabihin na napakagaling at napakatapang na manunulat ni ricky lee. makapangyarihan at mahalaga itong timeless masterpiece na nilikha nila ni marilou diaz-abaya. buti na lang ay may remastered/restored version ang mga classic film na kagaya nito at sana ay ma-access at tangkilin ito lalo ng publiko. laban!

ma. liked these reviews